Inaasahan ni Atty. Michael Poa, isa sa defense counsel ni vice president sara duterte na matatapos na ngayong araw angnpre trial conference para sa impeachment trial ng bise presidente.
Ito na ang ikalimang araw ng pre trial conference kung saan natatagalan sila sa pagmamarka ng mga dokumentong iprepresenta bilang mga ebidensya sa mismong impeachment trial.
Ayon kay poa, maganda ang naging progress nila kahapin kung saan nagbextend sila hanggang alas siyete kagabi at ngayong araw.
Samantala, sinabi ni Poa na bukas pa ng umaga sila maghahain ng pormal na tugon sa manifestation ng prosecution panel na buksan na sa pre trial stage ang BIR box na naglalaman ng tax records ni VP Sara.
Pinaliwanag ni Poa na kahit matapos sila ngayong araw ay wala namang magiging epekto kung bukas pa sila sasagot dahol anh impeachment court rin ang magdedesisyon dito at hondi lang sa lebel ng clerk of court o ni Atty. Renato Bantug Jr.
Pinahayag rin ni Poa ang kahandaang humarap sa paglilitis bilangbtestigo, bilang isa siya sa mga pinangalanan ng prosekusyon na mga testigo sa trial. | ulat ni Nimfa Asuncion