Kinumpirma nga ng Department of Foreign affairs na wala pang napapaulat na Pinoy na naapektuhan o nasaktan mula sa 6.9 magnitude na lindol sa Japan.
Sa Japan, ayon kay Philippine Ambassador Mylene Garcia Albano wala pang nagrereport sa kanila mula sa Filipino Community leaders na nasaktan.
Pero patuloy silang nakatutok sa lagay ng mga pilipino sa naturang bansa.
Ang lindol sa Japan tumama ng 7:30 ng umaga oras sa Japan at naramdaman ang intensity 7 sa Hashikami Aorami Prefecture.
Bahagya ring naramdaman ang lindol sa Tokyo. Wala namang inilabas na Tsunami warning kasunod ng lindol. | ulat ni Louisa Erispe