Kumpyansa ang National Bureau of Investigation na lusot sa banga o matibay ang kasong plano nilang isampa laban kay dating Congressman Mike Defensor.
Ito ay ang kasong human trafficking dahil nga sa pagkakasangkot umano ni Defensor sa isang KTV Bar sa Pasig City.
Giit ni NBI Director Melvin Matibag hindi nila isasampa basta basta ang kaso kung wala naman itong reasonable certainty of conviction na batay sa memorandum circular ng Department of Justice kaya mataas ang tiwala nila sa naging case build up.
Inaasahan namang isasampa ang kaso o reklamo sa Pasig City Prosecutors Office. | ulat ni Louisa Erispe