Mas darami pa ang lugar na makakabili ng abot kayang pagkain at pangunahing bilihin dahil plano ng Department of ztrade and Industry na magdagdag ng rolling dtores sa Metro Manila.
Ayon sa DTI sa ngayon kasi dalawang LGU pa lang ang naiikutan ng rolling stores ito ay sa Muntinlupa at Navotas pero nais nila na madagdagan pa ito.
Ang siste naman ng rolling stores deretso mula manufacturers na itinitinda ang mga pangunahing bilihin kaya ang mga produkto tulad ng fresh poultry, processed meat, condiments, sardinas, sabin at iba pa ay mabibili nila ng mura o may diskwento.
Nagsama na rin ng school supplies ang DTI kasabay naman ng pagsisimula ng pasukan.
Sa naging rolling store sa Muntinlupa umabot sa higit 77 thousand ang kita sa Navotas naman ay nasa higit 94 thousand. | ulat ni Louisa Erispe