Makikipagtulungan ang Civil Aviation of the Philippines o CAAP sa Bulacan State University para mas maraming estudyante ang maagang makapagsanay ng aviation sa bansa.
Sa naging stakeholders meeting kahapon, June 24 sa pagitan ng CAAP at BulSu napag-usapan na ang mga estudyante maaring magkaroon ng specialized training at technical courses sa tulong ng CAAP tulad ng Basic Airfiel Lightning at Power technician course.
Sa pamamagitan nito mas magandang oportunidad ang makukuha ng nga estudyante ng BulSu sa larangan ng aviation
Bilang eskwelahan din na malapit sa avaiation facilities CAAP magiging maganda ng training ground ito para sa mga estudyante
Ayon kay CAAP Director General Raul Del Rosario naniniwala sila na ang pinakamagandang investment ay ang pagaaral ng mga kabataan kaya lalo pa nilang pagiigtingin ang kanilang programa na Next Generation of Aviation Professional Program alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. | ulat ni Louisa Erispe