Pinatupad na ng senado nitong lunes ang 90-day suspension order na ibinaba ng sandiganbayan laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Ito ay kaugnay ng kinakaharap nitong kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa flood control anomaly.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., opisyal nang inabisuhan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang opisina ni Senador Jinggoy Estrada na pinatupad na ang suspension order mula nitong Lunes, June 22.
Pinaliwanag ni Bantug na ibig sabihin nito ay suspendido na ang sweldo at mga benepisyo ni Estarda at hindi na muna nito pwedeng gawing kanyang tungkulin bilang senador sa loob ng 90 araw.
Nang matanong naman kung ano ang magyayari sa mga staff at opisina no estrada, sinabi ng senate secretary na pwede pa rin namang mag function ang opisina ni Estrada dahil maaalis rin naman ang suspensyon pagkatapos ng 90 days
Pero nang matanong kung paano ang sweldo ng mga staff ni Senator Jinggoy, sinabi ni Bantug na magbibigay muna siya ng rekomendayon tungkol dito kay SP Gatchalian. | ulat ni Nimfa Asuncion