Nilinaw ng Embahada ng Japan sa Pilipinas na Gratis o nananatiling libre pa rin ang temporary visitor visa para sa mga Pilipino.
Ang inilabas na klaripikasyon ng Embahada ay matapos nga ianunsyo ng Japan Government n na tataas ang bayad para sa single-entry visa ng mga dayuhan.
Ayon sa Embahada kung ang inaapply naman na visa ay temporary lang o kung hanggang 90-days stay maximum ito ay mananatiling libre.
Basta icomply ang mga requirement na kinakailangan para makapag-apply.
Samantala binuksan na rin naman ng Japan ang eVisa system sa mga Pilipino na magttravel ng naka-package tour na inorganisa ng travel agencies.
Pero ang eVisa maaari lang iapply para sa mga turistang magshoshort-term stay o hanggang 15days maximum. | ulat ni Louisa Erispe