Naglaan ng 69.1 million pesos sa loss reserves ang Government Insurance System o GSIS para sa mga mag-aapply ng damage claim kasunod ng nangyaring 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon sa GSIS ito ay para sa valid insurance claims ng mga buildings, pasilidad, equipment at public assets ng mga government agencies at LGU na insured sa GSIS.
Nasa 4,403 na insurance policies at kabuuang 23.59 billion pesos ang inisyal na naapektuhan. pinakamarami naman ng insured properties na naapektuhan ay sa General Santos City.
Tiniyak naman ng GSIS na ang ibinibigay na insurance sa government assets ay upang tuloy tuloy ang serbisyo publiko ng mga ahensya ng gobyerno. Hinihikayat naman ang mga ahensya sa laging reviewhin ang kanilang coverage at asset valuation upang mas madaling makakuha ng claims tuwing may panahon ng sakuna. | ulat ni Louisa Erispe