Tiniyak na ni Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. na matatapos na ngayong araw ang pre trial conference o ang pagmamarka ng mga docuentary evidence na gagamitin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Bantug, susunod nang hakbang dito ang pagbuo ng pre-trial order.
Sa pre-trial order, nakasaad na ang napag usapan sa pre trial conference, lalamanin nito ang stipulation of facts, issues na kailangang resolbahin sa paglilitiss, marked evideces, witness list at ang trial schedule.
Base sa impeachment calendar, dapat sana ay ngayong araw ilalabas ng clerk of court ang pre trial order…pero dahil ngayong araw pa lang matatapos ang pre trial conference ay posibleng sa susunod na linggo pa ilabas ang pre trial order.
Samantala, nang matanong tungkol sa manifestation ng prosekusyon na buksan at markahan na ang BIR box na naglalaman ng tax records ni VP Sara sa pre-trial conference, muling giniit ni bantug na ang impeachment court ang siyang magdedesisyon nito at hindi siya bilang clerk of court.
Binigyang diin nitong ang trabaho lang niya ay ang tumanggap ng mga dokumento.
Ayon kay Bantug, sa ngayon ay naipamahagi na niya sa mga miyembro ng impeachment court o sa mga senator-judges ang kopya ng manifestation ng prosekusyon.
Sa ngayon, base sa initial na napag usapan, binahagi ni bantug na ang prosekusyon ay mangangailangan ng 62 trial days habang ang depensa ay magkakaroon ng 30 trial days. | ulat ni Nimfa Asuncion