Giniit ni Atty. Michael Poa, isa sa mga abugado ni Vice President Sara Duterte, na walang magiging epekto sa kanilang kampo kung ihaharap ng prosekusyon si Mary Grace Piattos.
Ayon kay Poa, prerogative ng prosekusyon na iharap si piattos at sinumang gusto nilang ipaharap sa paglilitis at gawing testigo.
Handa naman aniya sila sa defense na i-cross examine ang mga tetigo ng prosekusyon.
Nilinaw naman ni Poa na hindi kasama si Piattos sa listahan ng mga testigo nila sa depensa.
Una nang sinabi ni Poa na handa rin siyang humarap sa paglilitis bilang isa siya sa mga pinangalanan ng prosekusyon na isa sa kanolang mga testigo.
Handa aniya siyang sumagot bastat ang mga itatanong sa kanya ay walang kinalaman sa kanyang papel bilang abugado ni VP Sara. | ulat ni Nimfa Asuncion