Inirekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na amyendahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng gun ownership.
Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong mga mag-aaral at ikinasugat ng 20 iba pa.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Remulla na dapat higpitan ang mga probisyon hinggil sa responsibilidad ng mga may-ari ng baril at lagyan ng criminal aspects ang illegal na paggamit at illegal na pag-transfer ng baril.
Iginiit din kalihim na kailangang managot ang mga gun owner sa wastong paghawak at paggamit ng kanilang mga armas.
Ayon kay Remulla, kailangan na maging responsableng gun owner o gun operator ang mga indibidwal na nagmamay-ari ng baril. | ulat ni Diane Lear