Photo courtesy of PNA
Mas madalas na naipupuslit papasok ng bansa ang imported na sibuyas o nangunguna ito sa mga produktong agrikultural na ipinapasok sa bansa.
Kabilang naman sa mga operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labanan ang agricultural smuggling sa bansa.
Sa pahayag ni PCG Maritime Security Law Enforcement Command Commander Vice Admiral Allen Dalangin, mas kadalasang naipapasok o ipinupuslit sa bansa ang mga imported na sibuyas.
Dagdag pa niya na kailangang mag-deploy ng mga K9 Onion Sniffing Dog upang mabisto ang smuggling sa tuwing may operasyon ang ahensya.
Paliwanag pa ni Dalangin na malaki ang epekto sa kita ng mga magsasaka at mayroong banta sa kalusugan ng publiko kung nakapasok sa bansa ang mga ito.
Dagdag pa ng opisyal na alinsunod sa batas na kailangan nilang magbigay-suporta sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at iba pang ahensya ng gobyero upang malabanan ang agricultural smuggling.
Ipinunto pa ng opisyal na maaaring makatanggap ng gantimpala ang sinumang makapagbibigay ng mga impormasyon hinggil sa mga smuggling activity sa bansa.