Patuloy ang maigting na kampanya ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group o PNP-ACG sa pagpapatupad nila ng Anti-Cybercrime campaign.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay PNP-ACG Acting Director Police Major General Wilson Asueta, kabilang na rin sa tinututukan nila ang monitoring sa cyberspace activities ng mga kabataan lalo na sa pagsulpot ng iba’t ibang online platforms na nagtatampok ng culture of violence na tinatangkilik ng mga kabataan.
Ani Asueta, patuloy ang kanilang crackdown sa mga online at social media platforms na mapapatunayang lumalabag sa safety standards lalo na kung ang kanilang audience o consumer ay mga kabataan.
Malaki rin kasi ang epekto sa estado ng seguridad ng bansa kung masyadong exposed ang mga bata sa mga akto ng karahasan.