Pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalakas ng ugnayan at pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd).
Ito’y para hikayatin ang school officials sa pakikilahok ng mga pulis sa iba’t ibang aktibidad gaya ng flag raising ceremony bilang bahagi ng pagsisikap na lumikha ng mas ligtas na campus at pigilan ang krimen.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakabatay ang inisyatibong ito noong siya pa ang Regional Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) at National Capital Region Police Office (NCRPO).
Layon aniya nitong palakasin ang mga hakbang para sa seguridad ng mga paaralan at isulong ang mas malapit na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ginawa ng PNP Chief, ang panukala matapos ang insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City sa Leyte noong June 22 na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng iba pa.