Photo courtesy of Philippine Information Agency
Labis na ikinabahala ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang malagim na insidente sa isang paaralan sa Tacloban City bunsod ng nangyaring pamamaril.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay TDC Secretary-General Jim Lester Beleno, sinabi nitong may kaukulang hakbang na silang isinusulong upang maprotektahan ang mga guro bunsod ng nagbabago nang behavioral landscape ng mga kabataan at ito nga ay ang “Teacher Protection Policy” na isinusulong sa Kamara.
Suportado rin ng grupo ang mga hakbang ng pamahalaan upang itaas pa ang kapasidad at kakayahan ng mga guro sa pagharap sa mga insidente tulad ng karahasan, upang agad na makatugon oras na may kaparehong insidente ang mangyari.
Sa ngayon tinututukan din ng Teachers’ Dignity Coalition ang social at mental health ng mga guro na apektado ng nasabing malagim na insidente.