Tiwala si House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na matatapos sa takdang panahon ang marking of evidences bago ang pormal na pagsisimula ng paglilitis sa July 6.
Ayon kay Ridon, patuloy na sinusuri at minamarkahan ng mga prosecutor, depensa, at mga tauhan ng korte ang mga dokumentong gagamiting ebidensya.
Ayon kay Ridon, mas mabilis ang naging takbo ng pagpoproseso sa ika-apat na araw ng pre trial conference matapos magdagdag ng marking stations ang mga opisyal ng Senado.
Bagaman umaasa si Ridon na makukumpleto ang pagmamarka ng mga ebidensya ngayong Huwebes, sinabi niya na agad nilang aabisuhan ang Senate Impeachment Court kung kakailanganin pa ng karagdagang araw.