Tutol ang House Prosecution panel sa pahayag ng depensa na alisin ang mga record ng SALN bago ang taong 2022 sa gaganaping impeachment trial laban kay Vice President Sara Z. Duterte.
Giit ng prosekusyon, hindi wastong masusuri ang kasalukuyang yaman ng Bise Presidente kung hindi hihimayin kung paano naipon ang kaniyang mga ari-arian sa paglipas ng panahon.
Ayon kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pagkakaroon ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman o unexplained wealth ay hindi maaaring masuri kung ang titingnan lamang ay ang mga pondo ng Bise Presidente mula 2022 pataas.
Dapat aniyang payagan ng korte na busisiin ang pinagmulan at paglago ng kaniyang yaman.