Office of the Ombudsman
Inatasan ng Office of the Ombudsman sina Senador Alan Peter Cayetano, Senador Robinhood Padilla, at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na magsumite ng kanilang counter-affidavits.
Ito ay kaugnay sa reklamong Obstruction of Justice na may kinalaman sa kontrobersyal na pag-alis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado matapos ang nangyaring putukan.
Batay sa kautusan na may petsang June 23, 2026 at nilagdaan ni Asst. Ombudsman Moreno Generoso, binigyan ang mga respondent ng 15 araw para magsumite ng kanilang counter-affidavits.
Kapag nabigo na magsumite ng kani-kanilang paliwag ang mga respondent ay ituturing na ito ng Ombudsman na submitted for resolution.
Sa ngayon, wala pang tugon dito sina Cayetano, Padilla at Aplasca. | ulat ni Diane Lear