Siniguro ng Malacañang na hindi maaantala ang anomang proyekto o operasyon ng pamahalaan sa paggulong impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, tuloy ang trabaho ng ehekutibo sa kabila ng anomang isyu, at hindi nila papayagan na maapektuhan ang mga programa ng administrasyon dahil lamang sa mga obstructionists o iyong mga nais harangin at guluhin ang ginagawa ng gobyerno.
Kung tutuusin aniya, sa mga pagpupulong ng gabinete, hindi kailanman napag-usapan ang impeachment laban kay VP Sara.
Bukod dito, ang Senado aniya, mayroong sariling mandato bilang impeachment court at mambabatas.
Inaasahan aniya ng Palasyo na gagampanan at tatapusin ng mga senador ang kanilang tungkulin. | ulat ni Racquel Bayan