Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na implementasyon ng G. Araneta Drainage Improvement Project sa Quezon City, upang nakatulong sa nararanasang pagbaha sa lungsod.
Sa pagi-inspeksyon ng pangulo sa kumpletong bahagi ng proyekto, sinabi nito na ramdam na ng mga motorista at residente sa lugar ang ginhawang dala ng proyekto, ang ikalawang tututukan naman ng pamahalaan ay ang pagtugon sa mga naiipong basura, tuwing bumabaha.
Ang mga basurang ito kasi aniya ang bumabara sa drainage system, dahilan ng pagtaas ng tubig-baha.
“Kaya napakalaking bagay na ayusin natin ito. Kaya ’yan ang ating ginawa, patuloy natin itong gagawin.” —Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, ang lokal na pamahalaan na ng QC ang mangunguna sa pagtugon sa problema sa basura sa lugar.
Kung matatandaan, ang Quezon City Drainage Improvement Project, bahagi ng pinakalas na flood mitigation efforts ng administrasyon sa ilalim ng Oplan Kontra Baha program.
“So dito pa lang ito, one half pa lang ito, kalahati pa lang ito. Gagawin din natin ‘yan dun sa kabila para talagang mabilis ang takbo ng tubig, mabilis ang paglabas ng tubig at hindi na mababaha rito sa G. Araneta Avenue, dito sa Tatalon,” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan