Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na suportang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga kababayan nating may sakit na Chronic Kidney disease (CKD).
Sa pamamagitan nito, ayon sa Pangulo, mas pinalawak at may dagdag benepisyo para sa mga CKD patients gaya ng hemodialysis package na mula sa 90 ay nasa 156 ng sessions na sagot ng PhilHealth.
Binanggit din ng Pangulo ang pagtataas ng benefit package mula sa dating ₱4,000 ay nasa ₱6,350 na bawat session.
Tumaas na rin aniya ang rate ng Z benefit package para sa Peritoneal Dialysis na mula sa ₱389,640 ay nasa ₱500,140 na kada taon para sa mga adults.
Sa ngayon dagdag ng Chief Executive ay nasa 904 accredited na dialysis centers na ang mayroon sa buong Pilipinas.