Sinabi ni Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. na posibleng magkaroon muli ng pre-trial conference kung magdedesisyon ang impeachment court na pagbigyan ang manifestation ng prosekusyon na buksan ang BIR box at markahan ang mga nilalaman nitong tax records ni Vice President Sara Duterte para maging bahagi ng ebidensya sa paglilitis.
Ayon kay Bantug, nagsara ang pre trial conference kagabi nang hindi pa nareresolba ang manifestation ng prosekusyon dahil binigyan ng hanggang ngayong araw ang defense na magkomento sa manifestation.
At ang impeachment court lang rin aniya ang makakapagdesisyon nito at hindi sa lebel ni Bantug sa Clerk of Court lang.
Nilinaw naman ng clerk of court na posible lang ang panibagong pre-trial conference at ayaw niyang pangunahan ang magiging desisyon ng senator-judges tungkol dito.
isa rin aniyang posibleng senaryo ay desisyunan ang pagbubukas ng box sa mismong pagliitis.
samantala, nanindigan si bantug na hanggang ngayon ay wala na silang ibang petsang kinokonsidera para sa pagsisimula ng impeachment trial kundi sa July 6 lang.