DSWD
Nagdeploy ng karagdagang augmentation teams ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuation center sa Malapatan, Sarangani upang palakasin ang pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
Ayon sa DSWD, bago ang deployment, sumailalim sa orientation ang mga personnel mula sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Caraga.
Kabilang sa tinalakay ang camp coordination and camp management, proteksiyon sa mga internally displaced persons, at wastong pamamahala sa food at non-food items upang matiyak ang maayos na operasyon sa mga evacuation center.
Itatalaga ang mga augmentation team sa anim na evacuation site sa Malapatan, kung saan nananatili ang mga residenteng lumikas dahil sa lindol.
Bahagi ito ng pagpapalakas ng koordinasyon at patuloy na paghahatid ng serbisyo habang nagpapatuloy ang relief at recovery operations.
📸 DSWD