Naniniwala ang Malacañang na bahagi ng diskarte ng House prosecution panel ang pagharap sa kontrobersiyal na si Mary Grace Piattos bilang testigo.
Pahayag ito ni Communications Usec Claire Castro matapos kumpirmahin ni House Prosecutor at Manila Representative Joel Chua na isa si Piattos sa 25 testigong ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Partikular sa isyu ng confidential funds.
Ayon sa opisyal, nasa prosekusyon na ang pagpapasya kung sinu-sino ang kanilang ihaharap na mga testigo sa kaso, lalo’t bahagi ng istratehiya ng prosekusyon ang naturang hakbang.
Gayunpaman, binigyang diin ni Castro na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), wala umanong record ng isang indibidwal na nag-ngangalang Mary Grace Piattos, kaya posibleng mahirapan silang matukoy ang indibidwal na ito. At Kongreso na aniya ang bahalang dumiskarte dito.
“Strategy po nila iyon. Strategy nila, pero kung ayon sa PSA ay walang Mary Grace Piattos so baka mahirapan silang makita kung sino iyong Mary Grace Piattos. Pero nasa kanila po iyang style or strategy.” —Castro.