Sa Lunes, June 29, 2026, nakatakdang ilabas ng Senate impeachment court ang pre-trial order para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Secretary at Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., naglabas na ng advisory si Senate President Sherwin Gatchalian kagabi sa mga senador tungkol sa paglalabas ng pre-trial order sa Lunes.
Sinabi ni Bantug na matapos ilabas ang pre-trial order sa Lunes ay bibigyan ang depensa at prosekusyon ng hanggang tatlong araw o hanggang Huwebes para magkomento.
Tiniyak ng clerk of court na pasok pa sa schedule ang lahat ng kanilang aktibidad bago ang pormal na pagsisimula ng paglilitis o impeachment trial sa July 6.
Kabilang sa mga lalamanin ng pre-trial order ang mga napag-usapan sa kakatapos lang na pre-trial conference kabilang ang facts of the case, mga testigo, ebidensy, at trial dates.
Pinaliwanag ni Bantug na ang layunin nito ay mapabilis ang trial at maiwasan na ang mga administrative delays sa mismong paglilitis.