Pinapurihan ni Asian Development Bank (ADB) President Masato Kanda ang mga inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng kaniyang administrasyon kaugnay ng pagsusulong ng Public Financial Management Reform Agenda.
Ayon kay ADB President Kanda, magiging malaking tulong ang nasabing Reform Agenda upang matiyak na nagagamit nang tama at episyente ang pondo ng pamahalaan para sa mga pampublikong serbisyo na mapakikinabangan ng bawat Pilipino.
Dagdag pa ng ADB President, hindi magiging posible ang mga ganitong uri ng reporma sa Public Financial Management System ng Pilipinas kung hindi nakasuporta rito si Pangulong Marcos Jr.
Maituturing ding isang modelo para sa Asia-Pacific, ayon sa ADB, ang Public Financial Management Roadmap ng Pilipinas.