Sumampa na sa 589 ang kumpirmadong bilang ng nasawi sa magkasunod na lindol na yumanig sa hilagang bahagi ng Venezuela noong June 24, batay sa inilabas na datos ng United Nations.
Pumalo naman sa mahigit 50,000 katao ang nawawala habang nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations.
Kabilang sa mga nasawi sa malakas na lindol ang siyam na Portuguese nationals, apat na Espanyol, tig-dalawang Brazilian at Chinese, at isang Italian-Venezuelan.
Bukod dito, 56 na Portuguese at 120 na Espanyol ang hindi pa nahahanap.
Sa lugar ng La Guaira, na pinakamatinding tinamaan ng lindol, makikita sa satellite images ang sunod-sunod na gumuhong residential buildings.
Naitala rin ang ilang insidente ng pagnanakaw sa isang supermarket habang naghihintay ng tulong ang mga residente.
Samantala, dumating na rin ang mga rescue team at search dogs mula sa iba’t ibang bansa upang tumulong sa operasyon.
Ayon sa UN, nahaharap ang Venezuela sa pinakamalalang kalamidad sa loob ng mahigit isang siglo. Pinalala pa ito ng krisis sa ekonomiya at kakulangan sa serbisyong pangkalusugan at iba pang pangunahing serbisyo.