Mas pinadali na ng Department of Tourism (DOT) ang pagpaplano ng biyahe dito sa Pilipinas matapos ilunsad ang mas pinahusay nitong website na nag-aalok ng mahigit 3,000 travel deals para sa mga Pilipino.
Bahagi ito ng bagong domestic tourism campaign na “Discover More to Love,” kung saan maaaring direktang makita sa bagong website ng DOT ang mga discounted hotel accommodations, staycation packages, tour bundles, dining at attraction promos, flexible booking options, at iba pang travel offers mula sa iba’t ibang tourism partners.
Kabilang sa mga kasali ang mahigit 70 hotels at resorts kung saan makikita ang iba’t ibang diskwento at travel packages mula sa iba’t ibang rehiyon, at discounted airfares mula sa Philippine Airlines, Cebu Pacific, AirAsia Philippines, at Sunlight Air.
Ayon kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay, layunin ng website na gawing mas madali para sa mga biyahero na makahanap ng mga lehitimong tourism establishments, habang ang pribadong sektor naman ang mangangasiwa sa bookings at pagbebenta ng travel packages.
Umaasa ang DOT na mas mahikayat ang mga Pilipino na tuklasin ang mas maraming destinasyon sa bansa habang napapalakas din ang kabuhayan ng mga lokal na tourism enterprise and community sa pamamagitan ng bagong online travel platform.