Pinalalakas ng Department of Agriculture (DA) ang rehabilitasyon at pangangalaga sa Ifugao Rice Terraces sa Banaue.
Personal na binisita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang lugar upang inspeksyunin ang mga palayan, irigasyon, at iba pang imprastraktura.
Ngayong 2026, mahigit P218 milyon ang inilaan ng DA para sa mga programang pang-agrikultura na tutulong sa daan-daang samahan ng mga magsasaka sa Ifugao.
May pondo rin para sa pag-aayos ng mga rice terrace at tramline systems na magpapabilis sa pagdadala ng ani at magpapataas ng kita ng mga magsasaka.
Ayon sa Kalihim, layunin nitong mapanatili ang Ifugao Rice Terraces bilang pambansang pamana habang pinapalakas ang kabuhayan ng mga komunidad.
Target din ng ahensya na gawing mas produktibo, climate-resilient, at handa sa pandaigdigang merkado ang heirloom rice ng Ifugao.