Mas pinalalakas ng Department of Energy (DOE) ang mga hakbang para sa mas ligtas at mas sustainable na energy supply sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor at sa bansang Australia.
Sa pulong na pinangunahan ni DOE Secretary Sharon Garin kasama ang mga opisyal ng renewable energy company na Ib Vogt sa pangunguna ni Asia-Pacific CEO David Ludwig tinalakay ang pag-unlad ng solar energy projects sa Pilipinas.
Tinalakay rin ang mas malaking papel ng pribadong sektor sa pagpapabilis ng energy transition at pagpapalawak ng renewable energy investments.
Samantala, nakipagpulong rin si Garin kay Australian Ambassador Marc Innes-Brown upang pag-usapan ang pagpapalalim ng kooperasyon ng Pilipinas at Australia sa usapin ng fuel supply, supply diversification, at iba pang hakbang para mapalakas ang energy security ng bansa.
Ayon sa DOE, nananatili itong nakatuon sa pagpapalawak ng mga partnership na susuporta sa pagpapaunlad ng renewable energy at makatutulong sa pagbuo ng isang mas sustainable at matatag na kinabukasan ng enerhiya para sa mga Pilipino.