Sumadsad na sa mababang antas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at papalapit na ito sa critical level.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 161.33 meters na lamang ang water level ng Angat Dam, o 48.67 meters na mas mababa kumpara sa 210 meters normal high water level ng dam.
Nasa 160 meters ang itinuturing na critical level ng Angat Dam, na pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa Metro Manila at ilang karatig-lugar.
Samantala, nakapagtala rin ng bahagyang pagbaba sa lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon.
Nasa 79.86 meters ang water level ng La Mesa Dam, habang 99.91 meters naman ang naitala sa Ipo Dam.