Department of National Defense - Philippines
Tinuligsa ng Department of National Defense (DND) ang pahayag ng Chinese Embassy na tumutugon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng usapin sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr., ang naturang pahayag ay nagpapakita umano ng kawalan ng sinseridad sa pakikitungo ng Chinese Communist Party sa Pilipinas.
Giit ng Kalihim, ang mga naging pahayag ng embahada ay hindi kapani-paniwala at sinabayan umano ng tinawag niyang agresibong retorika.
Dagdag pa ng Defense Chief, nananatiling matatag ang posisyon ng Pilipinas sa pagpapanatili ng soberanya, at hindi ito magpapasailalim sa anumang uri ng panggigipit.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang mga kaganapan kaugnay ng isyu sa pagitan ng dalawang bansa.