Sumiklab muli ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos maglunsad ng bagong serye ng pag-atake ang Estados Unidos at Iran laban sa isa’t isa.
Kasabay nito ay nagpalitan ang mga naturang bansa ng akusasyon ukol sa umano’y paglabag sa umiiral na ceasefire agreement.
Nag-ugat ang pinakahuling sagupaan nitong Sabado matapos saluhin ng isang tanker na may bandila ng Panama ang isang drone attack sa Strait of Hormuz.
Batay sa ulat ng BBC, ibinahagi ng US Central Command o Centcom na tinamaan ng kanilang mga fighter jet ang sampung itinalagang military targets sa loob at malapit sa naturang waterway bilang tugon sa walang humpay na agresyon laban sa mga barkong pangkomersyo.
Samantala, lumaban pabalik ang Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC ng Iran.
Sa kanilang pahayag sa state media, kinumpirma ng IRGC nagpakawala sila ng mga ballistic missile at drone sa walong mahahalagang imprastraktura ng US sa Kuwait at Bahrain.