Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na ang pagsasagawa ng White Ribbon March ay naging mapayapa at maayos habang pinuri nito ang propesyonalismo at disiplinadong pagganap sa tungkulin ng lahat ng tauhan ng pulisya na ipinakalat upang tiyakin ang seguridad sa pampublikong pagtitipon.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. na ipinapakita sa mga ulat mula sa mga commander ipinakita ng mga kalahok ang kanilang karapatan sa mapayapang pagtitipon sa isang maayos na paraan sa buong serye ng aktibidad.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa pamamagitan ng paggabay ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na tiyakin ang proteksyon ng mga karapatang konstitusyonal habang pinapanatili ang kapayapaan, pampublikong kaayusan, at kaligtasan sa pamamagitan ng legal, patas, at propesyonal na pagpapatupad ng batas.
“Based on our real-time monitoring and reports from commanders on the ground, the White Ribbon March has remained generally peaceful and orderly. Participants have been exercising their right to peaceful assembly responsibly while our personnel continue to ensure public safety, maintain order, and facilitate the smooth flow of traffic without unnecessary disruption,” ani PGEN Nartatez.
Nagpakalat ang PNP ng halos 10,000 tauhan ng pulisya at isinailalim ang mga kaugnay na unit sa full alert simula alas-5 ng hapon noong Hunyo 27 hanggang alas-12:01 ng madaling araw sa Hunyo 29 para i-secure ang White Ribbon March na nakasentro sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA.
Binantayan ng mga tauhan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), mga kalapit na police regional offices, at mga support units ang mga pangunahing lugar, kabilang ang People Power Monument, EDSA Shrine, Mendiola Peace Arch, Ayala Bridge, US Embassy, mga pangunahing lansangan, transport routes, at iba pang convergence areas.
Mahigpit ding nakipagtulungan ang pulisya sa pamahalaang lungsod ng Quezon City, mga organizer, Metropolitan Manila Development Authority, emergency responders, at iba pang kasosyong ahensya para ipatupad ang mga hakbang sa seguridad at pamamahala ng trapiko.
Pinuri ni PGEN Nartatez ang mga tauhan ng pulisya na itinalaga sa operasyon dahil sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin nang may pagpipigil at propesyonalismo.
“Our deployed personnel have been performing their duties with professionalism, discipline, and maximum tolerance. Their visible presence, together with close coordination with organizers and partner agencies, has contributed to maintaining a peaceful environment while allowing the public to exercise their constitutional rights,” aniya. ###