Patuloy ang National Housing Authority (NHA) ang pamamahagi ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, sa ikalawang bugso ng distribusyon, 998 pamilya sa General Santos City ang tumanggap ng tig-P30,000 na tulong pinansyal.
Samantala, 611 pamilya mula sa mga bayan ng Malapatan at Glan sa Sarangani ang nakatanggap din ng kaparehong halaga.
Umaasa ang NHA na malaki ang maitutulong ng ipinagkaloob na ayuda upang muling maitayo ng mga benepisyaryo ang kanilang mga tahanang napinsala ng lindol.
Layunin ng EHAP na makapagbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa kalamidad, bilang suporta sa kanilang pagbangon at muling pagtatayo ng mga tirahan.