Magkakaroon nga ng bahagyang paggalaw ng preyso ng produktong petrolyo simula bukas, June 30.
Batay sa inilabas na price range ng Department of Energy Ang Gasolina maaaring bumaba ng 10 centavos o tumaas ng 1 peso and 90 centavos kada litro. Ang diesel naman maaaring bumaba kada litro ng 1 peso and 16 centavos o tumaas ng 84 centavos at ang kerosene pwede namang bumaba ng 78 centavos o tumaas ng 1 peso and 22 centavos kada litro.
Ayon naman kay DOE Secretary Sharon Garin ang bahagyang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay nagpapakita na kumakalma na ang presyo ng langis sa global market.
Umaasa ang DOE na patuloy ang pagbaba hanggang maabot ang presyuhan ng langis noong pre-war level.
Patuloy namang nakamonitor ang DOE takbo ng presyo ng langis sa global market pero nauna na nilang sinab na baka abutin pa ng susunod na taon o anim na buwan bago maibalik ang presyo ng langis sa pre-war level. | ulat ni Louisa Erispe