Nagpulong ang Gabriela Women’s Party at ang child rights advocacy group na Salinlahi upang isulong ang mga systemic solutions at muling ipahayag ang kanilang matinding pagtutol sa panukalang ibaba ang Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR) sa bansa.
Sa isinagawang dayalogo, tinalakay ng mga grupo ang mga pinakahuling insidente ng school violence o karahasan sa loob ng mga paaralan na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Ayon sa mga grupo, ang mga ganitong pangyayari ay dapat magsilbing hudyat upang obligahin ang gobyernona tugunan ang ugat ng problema at ang mga kondisyong nagtutulak sa mga kabataan na gumawa ng karahasan laban sa kanilang kapwa bata.
Binigyang-diin sa talakayan na, sa halip na parusahan ang mga bata, dapat panagutin ang mga iresponsableng matatanda na nagpapabaya kaya napupunta ang mga armas o baril sa kamay ng mga menor de edad.
Muling pinagtibay ng Gabriela Women’s Party ang komitment nitong patuloy na makipagtulungan sa Salinlahi at iba pang organisasyong nagsusulong ng karapatan ng mga bata.