Pagpapaliwanag ng Department of Energy ang 175 na generation companies na posibleng lumabag sa Public Service Act o rules ng DOE at Energy Regulatory Commission.
Sa isang press conference sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin naglabas kasi sila ng Department Circular na magbabantay sa performance ng Generation Companies at ang nakita nilang vilations ng kumpanya ay forced outages, rotational brownouts at hindi pagsunod sa contracted power capacity.
Kaya ngayong linggo agaran silang maglalabas ng show cause order para makuha ang tamang report mula sa mga kumpanya sa kanilang namonitor na violations.
Nilinaw naman ni Garin hindi ibig sabihin nito guilty na agad ang mga kumpanya kundi ang show cause ay parte lang ng due process.
Sa 175 generation companies, 164 dito ay on-grid areas at 11 naman ang off-grid area. | ulat ni Louisa Erispe