Posibleng ma-blacklist o kaya mawalan ng permit na makapag-operate ang mga Generation Compnaies na mapapatunayang may violation o hindi sumusunod sa mga kontrata ng gobyerno.
Sa isang press conference sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na ito na ang maituturing na ‘ultimate punishment’ kapag matapos ng imbestigasyon ay talagang lumabag ang mga generation companies lalo na sa Public Service Act.
Sinabi naman ito ni Garin matapos nyang i-anunsyo na maglalabas ng show cause order ang DOE laban sa 164 on-grid areas at 11 off-grid area generation companies dahil sa kwestyunableng forced outages, rotational brownouts at hindi pagcomply sa contracted power capacity.
Giit ni Garin, ang show cause ay upang matiyak na hindi basta basta namamanipula ang suplay ng kuryente dahil naaapektuhan dito ang mga konsumer. | ulat ni Louisa Erispe