Nakatakdang makipagpulong ang Estados Unidos at Iran sa Doha, Qatar ngayong Martes, ayon kay United States President Donald Trump.
Batay sa ulat ng CNN, ang pahayag na ito ni US President Trump ay sa likod ng serye ng palitan ng military strikes ng Amerika sa Iran, gayundin ang Iran sa ilang US bases sa Kuwait at Qatar.
Sa kasalukuyan, ayon sa US officials, nagkasundo ang dalawang bansa na huminto muna na magsagawa ng military strikes laban sa isa’t isa at mariing sinabing patuloy pa din ang negosasyon.
Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa panig ng Iran kung makikipagdayologo nga ito sa Amerika sa Martes, ngunit iginiit nito na sila pa rin ang may kontrol sa Strait of Hormuz.