Handa ang prosecution panel na tapusin at ipaglaban ang impeachment trial laban kay Vice Presidet Sara Duterte, gaano man ito katagal.
Ayon kay House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua “walang bibitiw,” sa laban gaano man katagal ang paglilitis.
Ito ang tugon ng mambabatas kasunod ito ng naging pahayag ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaaring tumagal ng pito hanggang walong buwan ang naturang impeachment trial.
Gayunpaman, nilinaw ni Chua na ang hininging 62 araw ng prosekusyon para sa presentasyon ng ebidensya ay hindi nangangahulugang iyon na ang eksaktong haba ng buong paglilitis.
Ipinaliwanag niya na ang naturang pagtaya ay nakabatay sa pagharap ng isang testigo kada pagdinig.
Maaari pa aniya itong mapaikli nang husto kung makakapaghain ang mga prosecutor ng dalawa hanggang tatlong testigo sa loob lang ng isang araw.
Dagdag pa ni Chua, maaari ring magpasya ang prosekusyon na huwag nang iprisinta ang lahat ng apat na Articles of Impeachment kung sa tingin nila ay sapat na ang mga naunang ebidensya para makuha ang hatol na guilty.
Nakatakdang simulan ng Senate impeachment court ang pormal na paglilitis sa July 6.