Pinapurihan ni Philippine National Police Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga pulis gayundin ang mga katuwang na ahensya ng pamahalaan sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng ‘White Ribbon March,’ kahapon, June 28.
Sinabi ni Nartatez, na ipinapakita sa mga ulat mula sa mga commander ang maayos at mapayapang pagtitipon ng mga kalahok na bahagi ng kanilang karapatan sa pamamahayag.
Tiniyak din ng mga awtoridad na protektado ang karapatang ito sa ilalim ng mga umiiral na batas at alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing prayoridad ang kaayusan at kaligatasan ng lahat.
Mula ala-5 ng hapon noong Sabado, June 27 hanggang alas-12:01 kaninang hatinggabi, nakataas ang full alert status ang nasa 10,000 pulis para siguruhin ang takbo ng mga aktibidad sa EDSA People Power Monument.
Bukod dito, may mga nakabantay ding tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba pang pangunahing lugar sa NCR gaya ng EDSA Shrine, Mendiola Peace Arch, Ayala Bridge, US Embassy at iba pang areas of convergence.
Giit ng PNP Chief, ginawa ng kanilang mga tauhan ang ibayong propesyunalismo, disiplina at pagpapatupad ng maximum tolerance gayundin ang pinaigting na Police visibility at ugnayan sa mga organizer para sa ikatatagumpay ng aktibidad.