Muling makakabili ng murang pangunahing bilihin ang mga taga-Makati dahil bibida ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod bukas, June 30, 2026.
Sa abiso ng Makati LGU, maaaring puntahan ng publiko ang Kadiwa sa Baras Corner Morong Street, Poblacion, Makati City, sa likod lamang ng city hall.
Bukas ito mula alas-otso ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.
Abiso naman sa mga mamimili, wala munang mabibiling ₱20 kada kilo na bigas sa Kadiwa sa Makati bukas dahil wala umanong stock sa warehouse.
Gayunman, marami pa ring gulay at iba pang pangunahing bilihin ang mabibili ng mga mamimili.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay programang inilunsad ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na umiikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na layong maghatid ng abot-kayang bilihin at makatulong sa pagpapalakas ng food security ng bansa.