SC
Naniniwala si Acting Chief Justice Alfredo Benjamin Caguioa na mahalaga ang papel ng sandingang bayan para mapanagot ang mga tiwaling public officials.
Ginawa ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sandiganbayan.
Iginiit dito ni Caguioa ang kahalagahan ng Sandiganbayan sa pagsugpo sa korapsiyon at pagpapanatili sa tiwala ng publiko sa Hudikatura.
Sinabi rin ni Caguioa na hindi dapat yumuko ang mga korte sa kapangyarihan kahit anong mangyari at dapat manaig ang rule of law laban sa korapsyon, kasakiman at pag-abuso. | ulat ni DK Zarate