Kasunod ng magkakasunod na insidente ng karahasang kinasasangkutan ng mga estudyante sa bansa, binigyang halaga ni Ako Bicol Party-list Rep. Jan Chan ang mahigpit na pagtutulungan ng mga pamilya, paaralan, at komunidad para sa kaligtasan ng mga kabataan.
Ayon kay Chan, ang pagprotekta sa mga kabataan ay responsibilidad ng lahat.
Ayon pa kay Chan, na vice chair din ng House Committee on Basic Education and Culture, dapat magsimula ang disiplina sa tahanan.
Dahil sa talamak na cyberbullying at mapanirang content online, sinabi niyang dapat magsanib-puwersa ang mga magulang at guro upang itaguyod ang responsible digital habits ng mga menor de edad.
Nanawagan din ang mambabatas na palakasin ang mga guidance and counseling program sa mga paaralan.