Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. June 29 ang nasa 195 high-powered loose firearms na boluntaryong isinukod ngg mga komunidad sa Sulu.
Sa pagbisita ng pangulo sa bagong Regional Mobile Force Battalion (RMFB) Region 9B Headquarters sa Maimbung, Sulu, sinalubong at sinamahan ito ng mga lokal na opisyal ng lugar sa ginawang pagi-inspeksyon sa mga armas.
Ayon kay Governor Abdusakur “Toto” Tan II, ang mga armas na ito ay kusang i-tinurn over ng mga residente sa lugar na ayaw na ng kaguluhan o tensyon.
Aniya, sumasalamin ang turnover ng mga armas na ito sa commitment ng probinsya na panatilihin ang kapayapaan, seguridad, at katatagan sa Sulu.
Binigyang-diin din ng pangulo ang patuloy na pagpapaigting ng intelligence operations at kampanya laban sa mga PAGs at ilegal na armas. ulat ni Racquel Bayan