Photo courtesy of Pres. Bongbong Marcos/FB
Ipinangako ni Pangulong Ferdinadn Marcos Jr. ang patuloy na pagbibigay prayoridad sa education system ng bansa, sa natitirang mga taon niya sa pwesto.
Sa harap ng Presidential Scholars sa Sulu, sinabi ng pangulo na simula ng kaniyang termino, isa ang sektor ng edukasyon sa mga pinaka-tinutukan ng gobyerno.
Agad aniyang hinabol ng pamahalaan ang classroom gap o iyong kakulangan ng Pilipinas sa silid-aralan.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit mayroong Presidential Scholars sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan nakakatanggap ng tig-P20, 000 financial asssistance ang limang estudyante ng bawat brgy sa buog bansa.
Layon nitong, magkaroon ng college graduate ang bawat brgy sa buong Pilipinas.
Sabi ng Pangulo, sa natitirang panahon ng Marcos Administration, edukasyon ang tutok ng pamahalaan, mula sa pagsisiguro ng matatag na internet connection para sa mga maga-aral, hanggang sa konstruksyon ng karagdagang classroom, at pamamahagi ng iba’t ibang learning materials.