Walang tigil pa rin ang pagpapadala ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao.
Ayon sa DSWD, umabot na sa 653,848 Family FoodPacks (FFPs), 18,035 Non-Food Items (NFIs), at 13,595 Ready-to-Eat Food (RTEF) boxes ang naipamahagi sa mga apektadong komunidad sa Davao Occidental, General Santos City, at Sarangani.
Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan.
Kaugnay nito, umabot na rin sa ₱729-million ang kabuuang halaga ng naipamahaging humanitarian assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.
Habang nananatiling available ang nasa higit ₱5-bilyon pang pondo ng ahensya para sa mga nangangailangang komunidad.