Ipinamalas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kulturang Pilipino sa isinagawang open ship ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sa panahon ng Rim of the Pacific (RIMPAC) 2026 sa Hawaii.
Binuksan sa publiko ang barko, kung saan natikman ng mga bisita ang mga pagkaing Pilipino, nakilahok sa karaoke, at nakita ang mga static display ng kakayahan ng PCG.
Nagkaroon din ang mga bisita ng pagkakataong magsuot ng uniporme ng Coast Guard Special Operations Force (CGSOF) at makita ang ilan sa mga kagamitang pangmisyon ng yunit.
Ayon sa PCG, naging pagkakataon ang RIMPAC 2026 upang mapalakas ang ugnayang pandagat sa mga katuwang na bansa at maipakita ang propesyonalismo ng ahensya.
Patuloy na nakikilahok ang PCG sa RIMPAC 2026, ang pinakamalaking pandaigdigang ehersisyong pandagat, kasama ang 31 partner nations, mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 31, 2026 sa Hawaii. |