Nilinaw ni Atty. Gilbert Andres, common legal representative sa International Criminal Court (ICC) ng mga biktima ng war on drugs ng Duterte administration na hindi automatic Freeze Order sa bank accounts ni dating Pagulong Rodrigo Duterte ang naging usapin sa ICC.
Ayon kay Atty. Andres, batay sa Public Redacted Filing ng Defense noong June 26, 2026, ang tinutukoy ay hiling ng Prosecution na i-freeze ang anumang perang nakuha kay dating Pangulong Duterte at ipagawa sa ICC Registry ang inventory ng mga item na nakuha mula sa dating Pangulo.
Ibig sabihin tanging ang cash at assets lang ni dating Pangulong Duterte ang sakop ng nasabing Freeze Order.